Tuesday, July 30, 2024

 

HOMILIYA PARA SA IKA-13ng LINGGO NG KARANIWANG PANAHON(Cycle B) sa Misa dito sa Bgy. San Jose, Camaligan, Camarines Sur

ni Rev. Fr. Dominador N. Marcaida Jr. 

RESTORASYON

(Panunumbalik sa Dati) 

Ang ebanghelio para sa Ika-13ng Linggo ng Karaniwang Panahon ay hango sa Mk. 5:21-43, at ang homiliya para sa linggong ito ay pinamagatang “RESTORASYON” (Panunumbalik sa Dati). 

Ang Ebanghelio: 

Ang ebanghelio ay patungkol ki Jairus, na isang pinuno sa Sinagogang Hudiyo, at ang kanyang anak na dalagitang namatay, at ng babaeng dinurugo na ang sinabing karamdaman na taglay niya sa loob ng 12 taon nguni’t, sa bisa ng pananampalataya, ay kusang napagaling sa pamamagitan ng paghawak lamang sa damit ni Jesus. 

Ang dalawang kuwento na ito ay naglalahad tungkol sa kapangyarihan ni Jesus na magpanumbalik ng isang taong namatay na, o kaya sa isang taong may sakit sa dating kalagayan at kagalingan sa buhay. 

Dito rin sa mga kuwentong ito sa ebangheliyo, lalo na yung sa una, ay nagpapakita sa atin na ang ibig sabihin din ng salitang “restorasyon” ay siya rin namang “resureksyon.” 

Ano po ba ang restorasyon? 

Ang salitang restorasyon ay galing sa salitang Latin na “restauro” o “restauratio”, na ang ibig sabihin sa salitang English ay “I restore”, o “restoration, renewal.” Ang “restoration” ay isang proseso na nagdadala sa isang bagay tungo sa kanyang orihinal na kalagayan, o ang isang proseso na nagpapanumbalik sa isang bagay, o tao, sa dati nitong kalagayan, Ang salitang “restaurant” ay mula rin sa salitang “restauratio”, na tumutukoy sa isang bulwagang kainan upang ipagpanumbalik ang lakas ng mga magsisikain.  

Sa dalawang kuwento na ito sa ebanghelio ay parehong na-“restore” ni Jesus sa dati nilang kalagayan; ang una, ay ‘yung anak na dalagita ni Jairus na sabi sa ebanghelio, ay dati nang patay nang abutan ni Jesus at ng kanyang mga alagad sa tahanan nito, na marami nang humahayang mga tao dahil sa pag-aakalang patay na nga ang dalagita. Nguni’t pagdating ni Jesus ay pinatahimik silang lahat at pinalabas sa bahay upang bigyan niya ng bagong buhay ang dalagitang patay na. At nang magising ang dalagita, siya ay ibinalik na muli ni Jesus sa kanyang amang si Jairus na buhay na buhay na. At yung sa ikalawang kuwento, ay tungkol sa babaeng dinurugo ng 12ng taon na sa paghawak lamang sa laylayan ng damit ni Jesus ay napagaling dahil sa kanyang taimtim na pananampalataya, at nanumbalik muli sa dating kalagayan ang kanyang katawan. 

Ang unang kuwento ay patunay na ang sinasabing “resurrection”, o pagkabuhay na muli, ay isa ring restorasyon dahil sa ang ganap na resureksyon ay nagpapanumbalik sa dating kalagayan ang isang taong namatay na at siya ay binibigyan ng panibagong buhay muli. 

Ito ay tulad sa naganap na sinasabing resureksyon mismo ng Panginoong Jesus tatlong araw pakalipas na siya’y namatay, nguni’t sa ikatlong araw siya ay sinabing nabuhay-muli. Ang ibig sabihin ng siya’y nabuhay-muli ay naibalik si Jesus  sa dati niyang kinalalagyan, o lulukan sa kanang kamay ng Dios Ama sa langit, ng siya ay nagkaroon ng bagong katawan at buhay bilang isang Panginoon ng bagong langit at lupa, at sa bago niyang  katawang mistiko, na siya rin ang Sta. Iglesia natin, pagkatapus na siya’y makaranas ng kamatayan sa krus at ilinibing ng tatlong araw sa loob ng isang inukit na batong libingan. Sa madaling sabi, ang Sta. Iglesia na nabuo pagkatapus na mamatay si Kristo dahil sa pagkakatatag ng pinakaunang Sta. Iglesiang kinatawan ng mga apostol at ng Inang Sta. Maria na nagkatitipon sa pinakaunang Pentekostes,  ay siyang Katawang Mistiko ni Kristo na nabuhay ng muli sa mga patay, at ang pinanumbalik niyang katawan sa dating buhay nito. 

Isa pa, ang mesyanikong paghintay ay walang iba kundi ang katuparan ng pagpanumbalik sa dati, o “restorasyon”, sa kasalukuyang panahon ng sinaunang trono ni Haring David dahil sa pagdating na muli ng isang Mesias na kagampan sa kanyang mga tungkulin bilang isang hari, pari at propeta para sa kanyang bayang Israel. 

Sino naman ang Iglesia sa kasalukuyang panahon ang nagsasagawa ng Restorasyon? 

Ang restorasyon ay isang gawaing bukal sa loob at kusang tinatanggap ng Iglesiang NAORCC, sa pamamagitan ng MSSPP, bilang kanyang bisyon na magpanumbalik sa dati ‘yung mga pari’t ministrong dating mga kaanib ng iba’t ibang uri ng samahang eklesiastikal, nguni’t nagsipaglabas at umalis sa mga trabaho ng isang dating aktibong ministeryo sa loob ng iglesia. Ang NAORCC (US) Archdiocese of California ay malugod na tinanggap silang muli sa loob nitong iglesia  pagkatapus na tawagin silang muli ng iglesiang ito, masusing pinapagaral sa mga gawe at mga alituntunin ng bagong iglesiang kinaaaniban, at hirangin silang muli upang magpatuloy ng paglingkod sa pamamagitan ng isang aktibong ministeryo  sa sambayanan ng Diyos, sa loob ng isang samahang eklesiastial, ang Missionary Society of Sts. Peter and Paul (MSSPP). 

Ipinapanumbalik ng MSSPP-NAORCC (US) AoC, sa ngalan at kapangyarihan ng Panginoong Jesukristo, ang ministeryo ng mga pari na naging maasim, o nadiskaril noong nakaraan o sa mga kaganapang hindi maiwasan. Totoo rin ito sa daan-daang mga pari na may wastong orden na kasalukuyang mga miyembro ng NAORCC Church sa buong mundo, na nag-asawa at ngayon ay may kani-kanilang pamilya, ngunit ngayon ay maligayang nakapaglilingkod sa Panginoon sa ministeryo bilang mga pari ng Simbahan. Naranasan nila ang kapangyarihang makapagpapanumbalik ng Iglesiyang ito, at nabuhay na mag-uli sa ministeryo ng Panginoon. Tinatanggap din ng grupo ang mga ex-seminarians, ex-priests, at iba pa na sumapi sa ibang mga simbahan ngunit gusto na ngayong sumapi sa North American Old Roman Catholic Church (Utrecht Succession) Archdiocese of California sa ilalim ng samahang MSSPP. 

Batay na rin sa aking karanasan ng restorasyon: 

Sa huling pagkakataon na nakita ko ang Arsobispo ng Caceres isang taon na ang nakalilipas, ang Arsobispo ay nagsasalita tungkol sa pagsasara sa aking pagkapari, ngunit ang nasa isip ko noon ay ang muling pagbubukas ng aking ministeryo na sinubukan kong gawin ng ilang beses sa Simbahan ng Caceres mula noong 1999. Nguni’t ito ay nagyari noon lamang Pebrero 25, 2024 ng ako ay natubos mula sa aking pagbagsak, at ganap na naibalik sa ministeryo ng pagkapari sa pamamagitan ng samahang MSSPP.

dnmjr_22 June 2024

No comments: