Monday, November 11, 2024

PAROUSIA

HOMILIYA PARA SA Ika-33 na LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (Cycle B) PAROUSIA Ang mga binasa sa linggong ito ay patungkol sa “parousia” at sa mga tandang magaganap sa katapusan ng panahon. Ano ang “parousia”? Ano ang Parousia? Ang Parousia ay isang salitang Griyego na nangangahulugang "presensiya" o "pagdating" at ginagamit sa teolohiyang Kristiyano upang tukuyin ang Ikalawang Pagparito ni Jesukristo. Di ba natin ipinahahayag sa kalagitnaan ng Misa na muling babalik si Kristo? Si Kristo'y namatay; Si Kristo'y nabuhay na muli; Si Kristo'y muling babalik sa kaluwalhatian. Ang Parousia ay ang paniniwala na si Jesus ay babalik muli sa lupa upang hatulan ang sangkatauhan at kumpletuhin ang kaloob ng Diyos na kaligtasan. Ito ay kilala rin bilang Ikalawang Pagdating. Ang Parousia ay bahagi ng eschatology, ang pag-aaral ng katapusan ng paglikha. Ito ay pinaniniwalaan na ang Parousia ay markahan ang katapusan ng kasaysayan, ang pagtigil ng kasamaan, at ang katuparan ng mga layunin ng Diyos. Sa ebanheliyong na kinuha sa Markos 13:24-32, ito ang mga sinasabi: “Subalit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at magugulo ang mga kapangyarihan sa kalawakan. Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na nasa ulap, may dakilang kapangyarihan at karangalan. Susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig upang tipunin ng mga ito ang mga hinirang ng Diyos. Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag sumisibol na ang mga sanga nito at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga bagay na ito, malalaman ninyong malapit na ang kanyang pagdating; siya'y halos naririto na. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago lumipas ang kasalukuyang salinlahi. Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman. Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Ang Unang Pagbasa na galing sa Daniel 12:1-3, ito naman ang sinasabi: “Sa panahong iyon, darating ang dakilang anghel na si Miguel, ang makapangyarihang pinuno at tagapagtanggol ng bansang Israel, at magkakaroon ng matinding kahirapang hindi pa nangyayari kailanman. Ngunit maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng Diyos. Muling mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba'y sa buhay na walang hanggan, at ang iba nama'y sa kaparusahang walang hanggan. Ang marurunong na pinuno ay magniningning na gaya ng liwanag sa langit at ang mga umaakay sa marami sa pagiging matuwid ay sisikat na parang bituin magpakailanman. An Pangalawang Pagbasa na galing sa Mga Hebreyo 10:11-14,18, ito naman po ang mga sinasabi: Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at naghahandog ng ganoon ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan. Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa mga kasalanan, at pagkatapos ay umupo na sa kanan ng Diyos. Ngayo'y naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga pinaging-banal ng Diyos. Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan. Inihula ni Daniel ang pagtatatag ng mesyanikong kaharian sa pamamagitan ng isang Anak ng Tao na darating daw sa mga ulap (Daniel 7:13). At ito ang kabubuan ng propesiya ni Daniel 7:13-14: "Ako'y nakakita sa mga pangitain sa gabi, at narito, kasama ng mga ulap sa langit ay dumating ang isang tulad ng isang anak ng tao, at siya'y naparoon sa Matanda sa mga Araw at iniharap sa kaniya. Sa kaniya ay ipinagkaloob. soberanya, kaluwalhatian at paghahari, at ang mga tao ng lahat ng mga tao, mga bansa at mga wika ay naging mga lingkod niya.” Ito naman pong sumusunod ay bahagi sa isang artikulo na isinulat na noong 25 Oktubre 2013 na nakalathala ngayon sa https://www.blogger.com/blog/post sa pamagat na “ESKATON”: “Ang Anak ng Tao ay darating sa mga ulap ng langit (Dan. 7:13; Mt. 26:64; Mk. 13:26), na magpapakita mula sa langit kasama ng mga anghel sa kanyang kapangyarihan. Ang mga banal ay naghihintay sa pagdating ni Hesukristo mula sa langit upang iligtas sila sa darating na kaparusahan (1 Tes. 1:10). Sa pagdating ng Panginoon, na bumababa mula sa langit, ang trumpeta ng Diyos ay tutunog at ang utos ay ibibigay sa pamamagitan ng tinig ng arkanghel (1 Tes. 4:16), magkakaroon ng unang muling pagkabuhay ang mga kaluluwa na pinugutan ng ulo na nagpatotoo para kay Jesukristo at dahil sa pagpapahayag ng salita ng Diyos, at ang mga tumanggi na sumamba sa hayop o sa kanyang larawan; sila ay mabubuhay-muli at maghaharing kasama ni Kristo sa isang libong taon; ang iba pang mga patay ay hindi mabubuhay hanggang sa natapos ang isang libong taon. Kung magkagayo'y magaganap ang paghuhukom para sa lahat ng mga patay, malalaki at maliliit man, at sa kanila na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ay itatapon sa lawa ng apoy (Apoc. 20). Sa dalawang huling pagpapakita ni Kristo, ipapakita niya ang kanyang dalawang natitirang titulo ng prinsipe at abogado; ang dalawang naunang pagpapakita ay ang kanyang pagiging saserdote (bilang Melchizedek) at isang propeta (bilang si Jesucristo). Pagkatapos ang langit at lupa ay lilipas (Mc 13:30; 14:62; Mt. 5:18-19), at ang Ang Bagong Langit at Bagong Lupa at ang bagong Jerusalem ay itatayo (Isa. 65:17; 66:22; 2 Ped. 3:13; Apoc. 21:1), ang nakaraan ay hindi aalalahanin, at sa bagong lugar ang katuwiran ay mapipigilan (Mk 13:30; Mat 5:18-19; Bundok Sion at lungsod ng buhay na Diyos, ang makalangit na Jerusalem kung saan milyon-milyong mga anghel ang magtitipon sa kapistahan kasama ang kanilang sariling simbahan, bawat isa ay panganay at mamamayan ng langit (Heb. 12:22-23), ang walang hanggang lungsod ng buhay na darating (Heb. 13:14). Ang ating mana ay nasa langit (1 Ped. 1:4). dnmjr/11-07-2024