EVANGELIZATION 101 - TUNGKOL SA “MADONNA AND CHILD” NI KIKO
ARGUELLO
Ang picture po na ito ay galing sa isang painting ni Francisco “Kiko” Arguello, ang initiator ng Neo-Catechumenal Way (NCW), na siya ring painting na ginagamit ng mga komunidad ng NCW sa kanilang mga community celebrations.
Bakit itong partikular na picture na ito, at bakit hindi yung ibang mga “Madonna and Child” na gaya ng Perpetual Help Image at iba pa, na makukuha din naman natin sa Internet, ang siyang ginamit nating dekorasyon sa ating chapel?
Ang sagot ay sa kadahelanang ang picture na ito na galing sa isang painting ni Kiko ay mayroon isang Catechetical Value. Ano po ba ‘yun?
Kung tititigang mabuti ang painting na ‘to, ito ay may isa, o dalawang bagay, na puwede ninyong mapansin. Ano po ba ang mga ‘yun? Sino po ang makakahula?
By the way, ang “Madonna and Child” pala na ito ay isang “icon”, o imahe, bukod sa ito ay pinapatungkol kay Birheng Maria at sa kanyang anak na si Jesus na karaniwang hula ng mga ‘di pa mulat, o “initiated” sa ganap na kristyanong pananampalataya, ay ito po ang icon, o imahe, ng Inang Sta. Iglesia, na gaya ni Birheng Maria, ay naglilihi, nagbubuntis at nanganganak ng isang anak ng Diyos, ang isang kristyano.
Balik na po tayo sa ipinahuhula po natin, yung isa, o dalawang mga bagay, na mapapansin sa larawang ito ng “Madonna and Child”.
Tama po kayo. Ang isang kapansin-pansing bagay ay ang napakalalaking mga mata, at ang mga napakaliliit na bibig ng babae at ang kanyang anak. Ang isa pang kapansin-pansing bagay, ang pangalawa, ay ang tainga ng babae ay natatakpan ng talukbong, na para bagang mga taingang sadyang itinatago, at samantalang ‘yung tainga naman ng batang lalaki ay nakalitaw at sobrang laki.
Ang pagkakaguhit ni Kiko ng mga bagay na inyo pong napansin sa painting niya ay talagang sinadya at hindi po isang aksidente lamang. Ito po ay sa kadahelanang ang mga bagay na ito na pinapatungkol sa Inang Sta. Iglesia at sa kanyang anak na kristyano, ay naguturo sa atin ng mga reyalidad tungkol sa mga ugaling taglay ng ating Inang Sta Iglesia at ng isang kristyano sa tunay na buhay.
Ito po ang ibig sabihin ng mga bagay na inyong napansin sa painting ni Kiko.
Ang mga malalaking mata ng imahe ay may ibig sabihin na ang Inang Sta. Iglesia at ang isang kristyano ay mga mulat, at sobrang mulat dahil sa napakalaki ang pagkadrawing ng mga mata nila, sa mga sekreto (misteryo) ng Dios dahil sa kanilang abilidad na makapag-discern sa mga bagay-bagay na nangyayari, o nagaganap, sa araw-araw nilang buhay. Ang abilidad ng pagtingin na nagreresulta sa isang malalim na discernment sa isip ay siyang mas na ginagamit nilang pakultad sa paga-appreciate at pagtitimbang ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay. Samantalang, ang mga malilit na bibig na makikita sa parehong babae at batang lalaki sa painting ay patungkol naman sa pag-iiwas ng paggamit ng pagsasalita ng Inang Sta. Iglesia at mga kristyano sa pag-appreciate nila sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanilang buhay. Ang ibig ipahiwatig sa atin na turo ay ang pagbibigay halaga sa mas paggamit natin ng ating faculty of discernment kaysa sa ating power of speaking, or “talking” sa pag-tanggap sa ating mga nakakasalamuhang pangyayari sa buhay.
Yon naman pong ikalawang bagay na kapansin-pansin sa painting ni Kiko ay ‘yung nakabukas na tainga ng batang lalaki, samantalang ang tainga naman ng babae ay natatakpan ng makapal na talukbong. An aral na ibig ipahiwatig sa atin ay ang katuruan na ang mga tainga ng Sta. Iglesia ay iwas sa pagtanggap ng mga impormasyon na pwedeng makarating sa kanya, lalung-lalo na yung mga impormasyong nakakasama sa pananampalataya, o kaya hindi makatutulong sa pagunlad ng kapwa-tao. Yun naman bukas na tainga ng batang lalaki, ang aral na ibig ipahiwatig sa atin ay dapat na ang isang isang kristyano ay bukas ang mga tainga sa pakikinig sa bawa’t isa, lalo na sa ‘yung may kinalaman sa ikabubuti ng bawat isa.
‘Yan po ang katekesis na nasa likod ng imaheng “Madonna and Child” ni Kiko Arguello. Kaya minarapat po naming gamitin ang icon na ito sa aming kapilya dahil sa, bukod sa ito ay imahen ni Birhen Maria, ay siya ring imahen, o icon, ng ating Inang Sta Iglesia sa kanyang gawaing pag-ebanghelisasyon, na maglihi, magbuntis, at manganak ng mga tunay na kristyano sa loob ng isang eskuwelahang katekumenal.
_5
May 2024
No comments:
Post a Comment