HOMILIYA PARA SA Ika-20 na LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (Cycle B) sa Misa para sa OL of Peñafrancia Deanery Chapel, Bgy. San Jose-San Pablo, Camaligan, Camarines Sur.
BANGKETE NG KARUNUNGAN
Ang ebangheliyo para sa ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon na hango sa Juan 6:51-58 ay patungkol pa rin sa sagutan ni Jesus at ng mga Hudyo doon sa kabilang ibayo ng dagat sa Capernaum tungkol sa tinapay ng buhay.
Kaya, dahil dito ang tema ng ating homiliya ngayong linggo ay patuloy pa rin tungkol sa Eukaristiya, nguni’t bilang isang “Bangkete ng Karunungan”.
Ikinikwento sa ebangheliyo na ang mga Hudyo daw ay nagkaroon ng mainitang pagtatalu-talo, na ang sabi nila “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?”
Dahil dito'y sinabi ni Jesus, “Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya. Buháy ang Ama na nagsugo sa akin at ako'y nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang tinapay na bumabâ mula sa langit. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga ninuno sa ilang; namatay sila kahit na kumain niyon. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay.”
Sa ebangheliyong ito para sa ika-20ng linggo ng Karaniwang Panahon ay gumagawa ang Panginoong Jesus ng koneksyon sa Eukaristiya, bilang isang sakramento ng kanyang Katawan at Dugo, at sa Karunungan ng Diyos, na ang kanyang sarili mismo bilang Salita ng Diyos, ang Verbo na bumaba galing sa langit na nagkatawang-tao, sa parehong simbolismo ng pagkain ng tinapay.
Una, pakinggan po natin muli ang sinabi sa Unang Pagbasa na kuha sa Talinghaga 9:1-6, na ang sabi “Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan. Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain. Ang mga katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan, upang lahat ay paabutan ng ganitong panawagan: “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.” Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit: “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo. Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay, at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”
O, di ba? Ang mga salita ng Panginoong Jesus sa mga Hudyong kausap niya ngayon sa ating ebanghelio ay pareho sa mga salitang nababasa natin sa unang binasa, na pinapatungkol nga sa mga Hudyong mangmang, na kulang sa kaalaman, na ayaw tanggapin na si Jesus na kanilang kausap ay ang tinapay ng Dios na ibinigay doon sa ilang bilang manna sa panahon ni Moises, na siya rin namang tinapay na inaalok niya ngayon sa mga Hudyo upang ipakain sa kanila, walang iba kungdi ang Karunungan ng Dios, upang sila ay magsisitalino at magkaroon ng kaalaman na magdadala sa kanila sa buhay na walang hanggan. Ang regalo ng manna noon at ang pagpaparami ng mga tinapay ngayon ay inilalagay bilang mga bahagi ng regalo ni Kristo ng kanyang sarili, ang tunay na tinapay.
Pangalawa, bakit nga kaya nagtatalu-talo ang mga Hudiyo sa panahon ni Jesukristo? Dahil nga po sila ay mga mangmang at walang alam sa mga gawain ng Diyos para sa kanilang kaligtasan, o para sa isang buhay na walang hanggan. Dahil si Jesus, bilang Verbong nakatawang tao ay galing mismo sa Diyos, at bumaba galing sa langit, kaya alam niya ang mga bagay tungkol dito. Kung gayon, siya ay ang karunungan ng Diyos, na may salita at taglay ng mga aral ng Diyos, na kung tatanggapin lamang ng sinumang taong mangmang at walang alam tungkol sa buhay na walang hanggan ang mga aral at salita ni Jesukristo ay maliligtas at hindi mapapahamak. At ang akto ng pagtanggap ng mga aral at salita ni Jesukristo ay parang kumakain na rin siya ng tinapay sa isang bangkete ng karunungan.
Samakatuwid, ang tinapay na simbolo ng Verbo, na si Jesukristo mismo, ay ang karunungan ng Dios na siyang lunas para sa kamangmangan at kakulangan sa kaalaman ng mga tao. Kung tatanggapin lamang ng tao na siya ay tunay ngang mangmang at walang alam, kung gayon ay kailangan niyang lunasan ang sitwasyong ito sa pamamagitan ng pakikinig sa mga pangangaral sa katuruan at salita ng Diyos ng galing kay Jesukristo, ang Verbong galing sa langit at nagkatawang tao.
Ito ang ibig ipahiwatig ni Jesukristo ng sabihin niyang siya’y ang tinapay na bumabang galing sa langit, na kung tatanggapin ng mga Hudyo ang lahat niyang mga salita at pangangaral sa kanilang buhay ay para na rin silang kumamain ng tinapay, dahil ang pagtanggap sa aral ay parang isang akto ng pagkain.
Tulad ito sa nababasa sa aklat ng Genesis na nagsasabi na sina Eba’t Adan ay kumain ng mansanas na galing ki Satanas. Ang kahulugan ng pagkain ng mansanas na ito ay tinanggap nina Eba’t Adan ang mga salita’t pahiwatig ni Satanas na ang Diyos ay hindi pag-ibig, sa halip ay isang malupit na panginoon na ibig lamang silang alipinin at ibilanggo sa kanilang mga sarili habang-buhay. Nguni’t ang paksang ito ay hindi na muna tatalakayin ng detalyado dahil ipapasa-ibang araw na lang muna natin ito.
Kaya, ang pagkain ng mga aral at katuruan ni Kristo bilang lunas sa kamangmangan at kakulangan sa kaalaman ng mga tao ay para na ring pagkain ng tinapay sa isang bangkete ng karunungan.
Kaya nga, ang sabi naman ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Epeso 5:16-17, na siyang ating Ikalawang Pagbasa ngayong linggo ay “Huwag ninyong sayangin ang panahon nʼyo; gamitin nʼyo ito sa paggawa ng mabuti, dahil maraming gumagawa ng kasamaan sa panahong ito. Huwag kayong magpakamangmang kundi alamin nʼyo kung ano ang kalooban ng Panginoon na gawin ninyo. Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay.”
Iyan po ang napakalinaw na hulit sa atin ng Apostol Pablo, na dapat itakwil natin ang pagiging isang mangmang sa paraan ng pagkain ng tinapay ng buhay na galing ki Jesukristo na, walang-iba, kundi ang kanyang mga aral at katuruan.
Si Jesus ang tunay na tinapay dahil siya ay Salita ng Diyos, Jn. 6:32f, at dahil din siya ay isang biktima na ang katawan at dugo ay inialay bilang sakripisyo para sa buhay ng mundo, vv. 51-58, cf. 6:22+. Ang salitang "laman" ay nagpapahiwatig ng koneksyon sa pagitan ng Eukaristiya at pagkakatawang-tao (Inkarnasyon): ang Salita na naging laman (Juan1:14), ay ang pagkain ng tao.
Ang kahulugan ng mga salitang ito na “Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nabubuhay sa akin at ako ay nabubuhay sa kanya” ay tulad ng sinasabi sa Apostol Juan 15:4-5 na ang sabi: “Gawin mo ang iyong tahanan sa akin, tulad ng ginagawa Ko sa akin sa iyo. Kung paanong ang sanga ay hindi mamumunga nang mag-isa, ngunit dapat manatiling bahagi ng puno ng ubas, gayundin kung hindi ka mananatili sa akin (v. 4). Ako ang baging, kayo ang mga sanga. Ang sinumang nananatili sa akin, kasama ko sa kanya, ay nagbubunga ng sagana; sapagkat humiwalay ka sa akin ay wala kang magagawa (v. 5).”
Ang bersikulo 57 na nagsasabing “Kung paanong Ako, na sinugo ng buhay na Ama, sa aking sarili ay kumukuha ng buhay mula sa Ama, gayundin ang sinumang kumain sa akin ay kukuha ng buhay mula sa akin.”, ang kahulugan nito ay na ang buhay na ipinapaabot ng Ama sa Anak ay ibinabahagi sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng Eukaristiya.
Sa madaling salita, ito po ang buod ng homiliyang ito na ngayo’y inilagay natin sa isang berso:
BANGKETE
NG KARUNUNGAN |
|
Ang pagkain sa
tinapay ay pahero, |
Sa pagtanggap
ng salita’t aral ni Kristo, |
Upang ang
kamangmangan sa mundo, |
Ay solusyonan
ng karunungan ng Verbo. |
|
Kaya, mga
kapatid, halina kayo, |
Tanggaping
mahusay at tapat na buo, |
Ang
Eukaristiyang hain ni Kristo, |
No comments:
Post a Comment