LANGIT SA ATING MGA KAISIPAN
Narito ang mga buod ng ating mga babasahin sa Misa para sa Linggo ng Pag-akyat ni Jesus sa Langit (Cycle C).
Unang Pagbasa – Mga Gawa 1:1-11 - Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, habang sila ay nakamasid, siya ay dinala paitaas. At ikinubli siya ng isang ulap sa kanilang paningin. Nang nakatitig sila, habang siya ay pumapaitaas, narito, dalawang lalaki na nakaputing damit ang tumayo sa tabi nila. 11 Sinabi ng dalawang lalaki: Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo at nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik din katulad ng pagpunta niya sa langit na inyong nakita.
Ikalawang Pagbasa – Eph 1:17-23 - Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa kalangitan. Kaya't nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan.
Ebangheliyo – Lk 24:46-53 - Pagkatapos ng mga ito, sila'y isinama ni Jesus sa labas ng lungsod. Pagdating sa Bethania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at sila'y binasbasan. Habang binabasbasan niya sila, siya'y umalis at dinala paakyat sa langit. Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay bumalik sila sa Jerusalem na punung-puno ng kagalakan. 53 Palagi silang nasa Templo at doo'y nagpupuri sa Diyos.
Ang linggong ito ay ang pista ng Pag-akyat ni Jesus sa langit, kung saan siya ay aakyat at paroroon sa Bagong Jerusalem upang lumuklok sa trono niya sa langit kapiling ang Diyos Ama at mga anghel.
Ang Ascension ay ang pista ng maluwalhating pagbabalik ni Jesus sa kanyang trono ng karangalan sa kanan ng Ama bilang gantimpala sa natamo niyang matagumpay na pagtupad sa misyon na iginagawad sa kanya ng Diyos, ang pagtubos ng sangkatauhan.
Kaya, kailangan ni Jesus na umakyat-muli pabalik sa Ama upang katawanin ang tao na makarating at makapasok sa langit sa pinakaunang pagkakataon simula noong lalangin ng Diyos ang mundo.
An isinabi natin dito sa itaas ay ang tradisyonal na pakahulugan ng pista ng Pag-akyat ni Jesus sa langit sa konstekto ng Katoliko Romanong doktrina.
Nguni’t mayroon tayong bagong pakahulugan sa pistang ito.
Alin ba an tinatawag na langit?
Ang langit ay ang ating isipan, tulad ng sinasabi sa kanta ni Andrew Lloyd Webber na “Heaven In Their Minds” (Jesus Christ Superstar, 1996).
Sinabi din natin noon sa ating nakaraang mga homiliya na ang edukasyon ay ang kayamanan sa langit. At ang edukasyon ay nauukol sa kaisipan ng tao. Hindi tayo nagkakamali kung sabihin natin na ang itinuturing natin na langit ay siyang kaisipan ng tao, at hindi ‘yung nasa itaas ng kaalapaapan o kaulapan.
Ang langit ay hindi lugar kundi estado ng ating kamalayang sa tao. Tinutukoy nito ang ating mas mataas na kalikasan at kamalayan na tinatawag nating “kaluluwa”. Natural na ang kaluluwa natin ay nakatira at nakaluklok sa kaisipan natin. Kaya, ang sinasabing “langit” ay walang iba kundi ang kaisipan natin.
Kaya, kung sinasabi na si Jesus ay umakyat na sa langit, ang ibig sabihin nito ay umakyat na si Jesus sa ating nakatataas na kamalayan na siyang ating kaisipan. Diyan sa nagluklok bilang kanyang trono, at hawak na niya ang ating pagiisip at siya na rin ang may kuntrol ng ating buhay.
dnmjr/05-27-2025