HOMILIYA SA MISA PARA SA IKA-LIMANG LINGGO NG KP (Cycle C)
PAGTAWAG SA PINAKAUNANG DISIPULO NI JESUS!
Ang mga babasahin sa Misa para sa Ikalimang Linggo ng Karaniwang Taon (Cycle C) at ang kanilang mga buod ay ang mga sumusunod:
Unang Pagbasa – Isaias 6:1-2a, 3-8 - Sinabi ko, “Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!”
Ikalawang Pagbasa – 1 Korinto 15:1-11 - Sa kahuli-huliha'y nagpakita rin siya sa akin, kahit na ako'y tulad ng isang batang ipinanganak nang wala sa panahon. Sapagkat ako ang pinakahamak sa mga apostol; ni hindi nga ako karapat-dapat tawaging isang apostol, sapagkat inusig ko ang iglesya ng Diyos. Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako'y naging isang apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Katunayan, nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin.
Ebangheliyo – Lukas 5:1-11 - Namangha siya at ang kanyang mga kasamang sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at mga kasosyo ni Simon dahil sa dami ng kanilang huli. Sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo'y mga tao na, sa halip na mga isda, ang iyong huhulihin.” Nang maitabi na nila ang mga bangka sa pampang, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.
Ang tema ng homiliya para sa linggong ito ay “Pagtawag sa Pinakaunang Disipulo ni Jesus”. Ang temang ito ay nagpapakita ng kanilang walang pag-alinlangang pagtanggap at pagsagot sa kanyang pagtawag na sumunod sila sa kanya. Hindi kagaya ng ikinukuwento sa una at ikalawang pagbasa, na parehong si Profeta Isaias at Apostol Pablo ay nag-alinglangan sa umpisa sa pagsagot at pangtangap sa pagtawag sa kanila ng Panginoon.
Kahit, si Simon Pedro ay gayon din ang ginawa sa umpisa, dahil sinabi niya kay Jesus na layuan siya dahil sinabi na siya din ay isang makasalanang tao. Nguni’t, sa bandang huli, si Simon Pedro at ang kanyang tatlong kasama sa bangka ay pumayag din sa tawag ni Jesus na sumunod sila sa kanya at maging mga alagad niya. At sila nga ang unang apat na naging kauna-unahan mga alagad ni Jesus.
Ang tema at ang kuwentong ito tungkol sa pagtawag sa pinakaunag alagad ni Jesus ay nagdadala sa atin sa isang bagay na may malaking kahalagahan sa Sta. Igelsiya. At ang bagay na ito ay tungkol sa tinatawag nating “bokasyon”, ang isang salita na bukambibig sa loob ng isang seminaryo, sa mga estudyanteng nagseseminaryo, at sa mga taong nag-aaral sa pagkapari.
Dati, ang buong akala natin na ang isang tao ay may bokasyon kung siya ay nagpresenta ng kanyang sarili upang pumasok sa isang seminaryo at umpisang mag-aral sa pagkapari. Ang taong iyan ay sinasabi nating may bokasyon daw.
Nguni’t sa totoo
lang, ang mga tao ay hindi dapat nagpipresenta ng kanilang sarili sa Sta.
Iglesiya upang tumanggap ng kanyang tawag na maglingkod sa anuman trabaho sa
loob ng Sta. Iglesiya.
Ang kabaliktaran ay ang dapat pong mangyari. Ang Sta. Iglesiya po ay ang pinagmumulan ng isang bokasyon upang maglingkod sa Diyos. Ang Sta. Iglesiya ay siyang tumatawag sa isang indibidwal na sumapi, at maging isang alagad upang kalaunan ay tumanggap ng anumang responsibilidad, o trabaho, sa loob ng Sta. Iglesiya sa paglingkod sa Diyos.
Di po ba may kasabihan tayo na, “Kung sino ang may kailangan ay siyang lumapit.”
Ganun din po sa usapin tungkol sa bokasyon sa paglilingkod sa Diyos. Ang Sta. Iglesiya ay ang may kailangan sa mga tao upang sumunod, sumapi, maging alagad at tuluyang maglingkod sa Diyos sa loob ng Sta. Iglesiya dahil siya ang mga pangunahing gawain at responsibilidad na mag-alay ng pagpupuri at pagsamba sa kabutihan ng Diyos dahil sa kanyang gawaing paglalang, pagligtas at pagpakabanal sa sangkatauhan. Unang tinawag ng Diyos ang Sta. Iglesiya sa ganyang mga gawain at trabaho. Kaya, ang Sta. Iglesiya din ang tumatawag sa mga taong sumunod, sumapi, maging alagad at tuluyang maglingkod sa Diyos sa loob ng kanyang Sta. Iglesiya. Dahjil alam ng Sta. Igelsiya kun anuano ang mga pangangailan niya, kaya siya rin ang dapat pumili, maghanap, at tumawag sa taong gagampan ng mga tungkulin at mga Gawain sa loob ng kanyang bahay.
Hindi pwedeng ang isang indibuwal na tao ay magpipresenta ng kanyang sarili sa Sta. Iglesiya na pumasok sa kanya, at sabihing siya ay may bokasyong maglingkod sa Diyos sa loob ng Sta. Iglesiya. Kung hindi ang Sta. Iglesiya ang tumawag, wala siyang karapatang magpresenta ng kanyang sarili para pumasok na maglingkod kung hindi naman siya tinawag at sinabihang magsunod.
Bakit, ano po ba ang mangyayari, o epekto, kung ang isang bokasyon sa pagpapari, o sa pagiging isang ministro sa Sta. Iglesiya, ay galing sa indibiwal na tao at ang pagtawag ay hindi galing mismo sa Sta. Iglesiya?
May isa pa tayong kasabihan na “Huwag kang dadalo kung hindi ka imbitado.”
Di ba nakakahiya kung basta ka na lang magpipresenta ng inyong sarili na hindi ka naman tinawag at inimbita man lamang, dahil sasabihin ng iba na ikaw ay isang “taong presentado, tarantado.” At maliban diyan, kung ang sarili mo ay iprinisenta mo sa Sta. Iglesiya, siyempre pagkatapus na ikaw ay maging pari o ministro, hihiling ka sa Sta. Iglesiya na ibigay sa iyo ang trabaho na gusto mong gawin, at hindi ‘yung trabaho na ibinibigay sa iyo ng Sta. Iglesiya. Hindi po tayo ang may pangangailangan sa Sta. Iglesiya, kundi ang Sta. Iglesiya ang may pangangailangan sa atin kaya tayo ay tinatawag na sumapi at sumunod sa kanya.
Kaya po, kung ang paguusap ay sa bagay na bokasyon sa loob ng Sta. Iglesiya, ang dapat na pinaggagalingan ng tawag, o bokasyon, ay ang Sta. Iglesiya mismo at hindi ang persona. Kagaya ng nangyari sa kuwento ng ating ebangheliyo sa linggong ito, na ang pagtawag sa unang mga disipulo ng Kristo ay galing mismo kay Jesus at hindi galing sa mga alagad.