Wednesday, January 22, 2025
BINUKSAN ANG BALUMBON
HOMILIYA PARA SA MISA SA IKA-3 LINGGO NG KARANIWANG TAON (Cycle C)
BINUKSAN ANG BALUMBON
Ang mga babasahin sa Misa para sa Ikatlong Linggo ng Karaniwang Taon (Cycle C) at ang kanilang mga buod ay ang mga sumusunod:
Unang Pagbasa - Nehemias 8:2-4a, 5-6, 8-10 - Si Ezra ay nakikita ng lahat sapagkat mataas ang kanyang kinatatayuan. Ang lahat ay tumayo nang buksan niya ang aklat. “Purihin si Yahweh, ang dakilang Diyos!” sabi ni Ezra. Itinaas naman ng mga tao ang kanilang mga kamay at sumagot, “Amen, Amen.” Nagsiyuko rin sila at sumamba kay Yahweh.
Ikalawang Pagbasa – 1 Cor. 12:12-14, 27 - Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan.
Ikatlong Pagbasa – Lk. 1:1-4, 4:14-21 - Pumunta si Jesus sa Nazaret, ang bayan kung saan siya lumaki. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng kasulatan, 17 at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito: “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi, at upang ipahayag ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.” Inirolyo niya ang kasulatan, isinauli sa tagapag-ingat at siya'y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga, 21 at sinabi niya sa kanila, “Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon.”
Sa kuwento sa ebangheliyo ngayong linggo ay nagtuturo sa atin kung papano si Jesus nagbigay ng isang homiliya sa mga tao.
Ang homiliya ay naiiba sa isang sermon. Ano ang pakakaiba ng dalawa sa isa’t isa?
Ang sermon ay isang pangangaral tungkol sa isang moral na klase ng pamumuhay, o ang paguturo sa mga tao na gumawa ng kung anong tama at ang hindi paggawa ng kung anong mali na dapat nilang palaging sundin upang maging silang kalugod lugod sa Diyos.
Samantala, ang homiliya ay isang exhortasyon, o ang paghihikayat sa mga tao na magpatuloy sa kanilang buhay dahil sa nangyari na, o naganap na, ang mga mabubuting bagay para sa kanila.
Katulad ‘yan sa mga pananalitang ginamit ng Panginoon sa kanyang diskurso sa mga tao sa ebangheliyo ngayong linggo, na sinabi niya na ang mga bagay na sinasabi ng Diyos sa banal na kasulatan ay naganap na sa mismong araw at oras na naririnig nila iyon.
Ang homiliya ay hindi isang pangako sa mga tao ng isang bagay na darating pa lamang, o isang panunumbat dahil sa mga kasalanang nagawa ng mga tao sa kanilang nakaraan, kundi isang paghimok sa kanila na ang mga mabubuting bagay na kanilang inaasam, o inaasahan, ay nangyayari na sa oras mismo ng kanilang pakikinig.
Ang sermon ay ang “pagmomoralize”, samantalang ang homliliya ay ang “pagliliberalize”.
Sa sermon, ang kondukta ng mga tao ay ang pinakikialaman, o pinipintasan at hinahanapan ng mga deperensya’t mal isa paguugali at mga butas sa batas. Samantalang sa homiliya naman, ang buhay ng mga tao ay pinapalaya at tinatanggalan ng mga haring at bara sa pamamagitan ng mga salitang mapagpalaya at nagpapalakas ng isipa’t damdamin at nagpapatibay sa kanilang determinasyong magpatuloy sa buhay kahit na anong mangyari.
Kaya, sinabi ni Jesus pagkatapus ng kanyang pagbasa sa banal na kasulatan na, “Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon.” Ang ibig sabihin nito ay sa pamamagitan ng pagsasalita lamang niya ay may isang kapangyarihang lumabas sa kanyang bibig upang patotohanan at patunayan ang lahat ng mga sinabi at maganap ang lahat na propesiya para sa mga tao.
Kaya, kung makarining kayo ng mga panglalait at pamimintas na galling sa kanino man, magsa pari o sa ministro man, tiyak ‘yan ay isang sermon. Nguni’t kung makarining kayo ng mga salitang nagpapagana’t nagpapagaan sa buhay, at masaya sa pakiramdam, tiyak ay homiliya po ‘yon.
At ang sagot na lamang ng mga taong nakikinig sa isang homiliya ay walang iba kungdi ang “Amen” dahil sa ang salitang ipinahahayag sa kanila ay naganap na sa kalagitnaan nila.
Iyang po ang pagkakaiba ng isang homiliya sa isang sermon.
Monday, January 13, 2025
ANAK NA MINAMAHAL
HOMILIYA PARA SA LINGGO NG PAGBAUTISMO SA PANGINOON (Cycle C)
ANAK NA MINAMAHAL
Ang mga babasahin para sa Linggo ng Pagbautismo sa Panginoon (Cycle C) at ang kanilang mga buod ay ang mga sumusunod:
a. Unang Pagbasa – Isaias 42:1-4,6-7 - Narito ang aking lingkod na aking itinataguyod, aking hinirang na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Pinagkalooban ko siya ng aking espiritu upang siya ay magdala ng tunay na hustisya sa mga bansa. (Isaias 42:1)
b. Ikalawang Pagbasa – Mga Gawa 10:34-38 - Pinahiran siya ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan (Gawa 10:38)
c. Ebangheliyo - Lukas 3:15-16,21-22 – Ngayon nang ang lahat ng mga tao ay mabautismuhan at habang si Jesus pagkatapos ng kanyang sariling bautismo ay nananalangin, nabuksan ang langit. At ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kanya sa hugis ng katawan, tulad ng isang kalapati. At isang tinig ang dumating mula sa langit, "Ikaw ang aking Anak, ang Minamahal; ang aking paglingap ay sumasa iyo." (Lk. 3:21-22.
Ang pagbautismo ni Juan Bautista kay Jesus ay ang kanyang ordinasyon sa pagkapari sa pakunwaring isang bautismo sa tubig ng pagsisisi kagaya ng ibinibigay ni Juan sa karaniwang Israelitang lumalapit sa kanya. Nguni’t si Jesus ay malinis na sa kasalanan na hindi nangangailangang paghuhugas sa tubig ng pagsisisi. At maaalala natin na si Juan Bautista ay nagbibinyag ng pagsisisi sa pananaw ng paparating na Mesias na siyang magbabautismo sa Espiritu at sa katotohanan. Kaya, ang bautismo ni Juan Bautista kay Jesus ay hindi bautismo sa tubig nguni’t isang ordinasyon sa pagkapari dahil sa pagsampa sa kanya ng isang kalapati na galing sa langit, na sumisimbolo sa Banal na Espiritu, at may tinig na narining na nagwika galing sa langit na “Ito ang aking anak na lubos kong kinalulugdan”
Kailangang ordinahan si Jesus ni Juan Bautista sa pagkapari sa komunidad, o Iglesiya, sa Ilang ng mga Israelita, dahil sa paparating na kamatayan ni Juan sa mga kamay ni Haring Herodes Antipas. Dahil si Jesus ang magtataguyod ng trabaho, o ministeryo, sa Ilang ni Juan Bautista pagkatapus na ito ay mapugutan ng ulo sa utos ni Haring Herodes, kaya kailangang ilipat ni Juan Bautista, sa pamamagitan ng isang sakramento, ang kanyang pagkapari kan Jesus sa paraan ng isang ritwal na Bautismo sa Ilog ng Jordan.
Sa katunayan na ang bautismo ni Juan Bautista kay Jesus ay ang kanyang ordinasyon sa pagkapari ay dahil sa pagkatapus na pagkatapus nito ay nagumpisa na si Jesus na gumampan ng kanyang ministeryo sa mga tao alinsunod sa ipinagagawa sa kanya ni Juan Bautista pagkatapus agad ng kanyang pakikipagtunggali ki Satanas sa Ilang (disyerto). Sa kuwento ng kahit dalawang ebanghelista ay makukuha ang ganitong mga pahayag.
Kaya, wala naman talagang iglesiyang itinayo sina Juan Bautista at Jesukristo maliban sa iglesiya, o kuminidad, ng Israel sa Ilang na nagmula pa kay Propetang Moises sa panahon ng Exodo, o sa paglabas ng mga Israelita sa Ehipto at paglakbay nila sa disyerto sa loob ng apatnapung taon. At sa panahon ni Juan Bautista at Jesukristo, ang iglesiyang ito sa Ilang ay nakapatirapa, o nakabuwal, kung kaya sinabi ni Jesukristo na kailangan niyang itayong muli ang kanyang Iglesiya.
Sa makatuwid, si Jesukristo ay hindi naman talaga gumawa, o nagtayo, ng sarili niyang Iglesiyang pag-aari niya, na galing sa kanyang pagkatao o sa kanyang kapangyarihan bilang isang kinikilalang Mesias, kundi ipinagpatuloy lamang niya ang Iglesiyang tinanggap niya kay Juan Bautista sa kapangyarihan ng pagbautismo sa kanya ni Juan sa Ilog ng Jordan. At ang iglesiyang ito na itinayo ni Jesukristo na galing kay Juan Bautista ay ang antigong iglesiya sa Ilang ng Israel na ipinatayo kan Moises ng Panginoong si Yahweh.
dnmjr_01/14/2025
Thursday, January 2, 2025
HOMILIYA PARA SA LINGGO SA PISTA NG EPIPANYA (Cycle C)
HOMILIYA PARA SA LINGGO SA PISTA NG EPIPANYA (Cycle C)
Ang mga pagbasang galing sa Banal na Kasulatan para sa Linggong ito sa Pista ng Epipanya ay ang mga sumusunod:
Unang Pagbasa – Isaias 60:1-6 - Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh. Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian. Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat. Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, ang lahat ay nagtitipun-tipon upang magtungo sa iyo; manggagaling sa malayo ang mga anak mong lalaki; ang mga anak mong babae'y kakargahing parang mga bata. Magagalak ka kapag nakita sila; sa iyong damdami'y pawang kasiyahan ang madarama; sapagkat malaking yaman buhat sa karagata'y iyong matatamo, at mapapasaiyo ang kayamanan ng maraming bansa.
Ang Ikalawang Pagbasa – Epeso 3:2-3a. 5-6 – ay nagsasabi na: “Marahil ay nabalitaan na ninyo na dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay pinagkatiwalaan niya ako ng tungkuling ito para sa inyong ikabubuti. Tulad ng naisulat ko na sa ilang salita, ipinaalam sa akin ng Diyos ang kanyang lihim na panukala. Ito'y hindi ipinaalam sa mga tao noong mga nakaraang panahon, ngunit inihayag ngayon ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu, sa kanyang mga banal na apostol at mga propeta. At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay mga tagapagmana rin tulad ng mga Judio, kabilang din sa iisang katawan, at may bahagi sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”
An Ebangheliyo naman na galling kay Mateo 2:1-12, ay nagsasabi na:
“Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. Kaya't tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong, “Saan ba isisilang ang Kristo?” Tumugon sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng propeta: ‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.’” Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.” Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy sa paghahanap. Ang bituin na nanguna sa kanila mula pa sa silangan ay tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira. Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.”
Ang mga kuwentong ito sa ebangjeliyo at sa unang pagbasa ay ipinaliuliwanag natin sa gaintong paraan: Ang bituin sa Mateo 2:9 ay ang anghel ng Panginoon na nagpahayag sa pastol ng kapanganakan ni Hesukristo sa Lukas 2:9. Sa biblikal na tradisyon, ang mga makalangit na bagay, kabilang ang mga bituin, ay pinaniniwalaang ang "mga hukbo ng langit" ng Diyos, na siyang mga anghel at arkanghel. Ang bituing ito ay ang bituin ng Sirius, ang pinakamaliwanag na bituin sa kalangitan kun panahon ng tag-lamig sa timog silangan.
Sabi ni Wayne Blank, sa artikulong "The Host of Heaven" sa www.keyway.ca ay nagsabi: "Ang "hukbo ng langit" ay isang terminong ginamit sa pagtukoy sa dalawang magkaibang entidad ["anumang bagay na mayroon, buhay o walang buhay"ΝΏ sa Kasulatan, mga bituin at planeta, at mga anghel. Ang orihinal na salitang Hebreyo na kadalasang isinasalin bilang "host," tumutukoy man sa mga bituin, o mga anghel, ay (binibigkas) tsaw-baw at nangangahulugang isang malaking misa, o isang napakalaking organisasyon - angkop, dahil mayroong isang malaking bilang ng parehong mga bituin at mga anghel. Ang parehong salita ay madalas ding ginagamit upang tumukoy sa isang hukbo, na kung isasaalang-alang kung ano ang makakasama ni Kristo sa Kanyang pagbabalik, ay napakatumpak din”.
Para sa mga biblikal na sanggunian sa katuruang ito, ay mangyaring tingnan ang Genesis 1:31-2:1; Deut. 4:17-19; 2 Kron. 33:3-5; Nehemias 9:6; 1 Mga Hari 22:19; Isaias 37:16; Lukas 2:13-14; Colosas 2:18; at Apo. 19:14.
Ang Zeitgeist, isang pelikula, ay may isa pang paliwanag para sa bituing ito ng Bethlehem nang sabihin nito na ang bituin sa Silangan ay ang bituin na Sirius (ang Bituin ng Aso, Sothis sa mga Ehipsiyo), na kapag nakahanay ito sa tatlong maliwanag na bituin sa sinturon ng Orion lahat ituro ang lugar kung saan sumisikat ang araw noong Disyembre 25, na nagpapahiwatig ng pagsilang ng araw. Ang pagsilang na ito ng araw noong Disyembre 25 ay tinatawag ding kaarawan ni Jesukristo. Higit pa rito, naniniwala rin ang Zeitgeist, ang pelikula, na ang Bethlehem (Bahay ng Tinapay, ang lugar ng kapanganakan ni Jesu-Kristo, ay tumutukoy sa konstelasyon na Virgo, na ipinakilala bilang isang birhen na may hawak na isang bigkis ng trigo, na nangangahulugang isang "bahay ng tinapay."
Kung gayon, ang tatlong bituing ito sa sinturon ng Orion na pinangalanang Alnitak, Alnilam, at Mintaka (Cf. wikipaedia), ay siyang sinasabi bilang ang Tatlong Haring Mago, o mga “Pantas” (Mechor, Gaspar, and Baltazzar) na nagsirating bilang pagdalaw sa lugar kung saan ipinanganak si Jesukristo. Ito rin ang tatlong bituin sa sinturon ng Orion na sinasabing kasama ng bituin ng Bethlehem, ang Sirius.
Ang unang Pagbasa ay nagsasalita tungkol sa maluwalhating muling pagkabuhay ng Jerusalem. Hindi sinasadya, ang kaganapan ng pagsikat ng araw sa silangan sa winter solstice (Disyembre 25) ay isa ring gawa-gawang kuwento ng maluwalhating muling pagkabuhay ng araw matapos itong sabihing sumailalim sa kamatayan ng tatlong araw noong Disyembre 22, 23, at 24 at muling nabuhay noong Disyembre 25 nang muling sumisikat ang araw sa timog upang simulan ang paglalakbay nito ng isang degree sa hilagang latitud.
2 Enero 2025
Subscribe to:
Posts (Atom)