Tuesday, August 6, 2024

 

HOMILIYA PARA SA Ika-19 na LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (Cycle B) sa Misa para sa OL of Peñafrancia Deanery Chapel, Bgy. San Jose-San Pablo, Camaligan, Camarines Sur. 

TINAPAY MO, BUHAY KO! 

Ang ebangheliyo para sa ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon na hango sa Juan 6:41-51 ay patungkol pa rin sa sagutan ni Jesus at ng mga tao doon sa kabilang ibayo ng dagat sa Capernaum tungkol sa tinapay ng buhay, o sa tinapay na buhay. 

Kaya naman, dahil dito ang tema ng ating homiliya ngayong linggo ay “Tinapay Mo, Buhay Ko!” 

Ikinikwento sa ebangheliyo na ang mga Hudyo daw ay nagbulong-bulungan dahil sa sinabi niya na “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.” 

Sinagot sila ni Jesus na ang sabi, “Huwag kayong magbulong-bulungan. Totoong sinasabi ko sa inyo: Ako ang tinapay ng buhay. Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit. Maaaring kumain nito ang sinuman at hindi mamamatay. Ako ang tinapay na buhay na bumaba mula sa langit. Ang sinumang makakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpaka­ilanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman. Ito ang aking ibibigay para sa buhay ng sanlibutan.” 

Sa madaling salita, ang mga pahayag na ito ng Panginoong Jesus, ay para bagang ang ibig sabihin niya sa mga Hudyo ay ang mga katagang TINAPAY MO, BUHAY KO. 

Ano po ba ang ibig sabihin ng mga katagang ito, Tinapay Mo, Buhay Ko? 

Ayon sa kuwento sa ebangheliyo, ang mga Hudyo kasi ay hinahanapan si Jesus ng tinapay na makakain nila, isang materyal na tinapay gaya noong kinain nila doon sa burol sa may lawa ng Tiberias. Nguni’t ang sagot ni Jesus sa kanilang paghingi sa kanya ng tinapay ay ang tinapay na espiritwal, na siyang buhay niya mismo, ang kanyang katawan, o laman. 

Paano ito magiging posible? Mga kanibal ba sila upang kumain ng laman ng tao? 

Ang kuwento na ito sa ating ebangheliyo ay malamang ito na rin ang pinag-ugatan ng tinatawag na sakramento ng Eukaristiya, ang sakramento ng katawan ni Kristo, na isinasagawa sa mga Kanluraning Iglesiya. Kaya, pag-aaralan natin kung ano po ba ang Eukaristiya, na siyang pinupunto ng Panginoong Jesus sa mga salitang “Tinapay Mo, Buhay Ko.” 

Sa parteng consecratory prayer ng Banal na Misa, ito ang sinasabi ng presbytero, “Nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot siya ng tinapay; at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, ‘Ito'y aking katawan na iniaalay para sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin’.” 

Sa makatuwid, sa Banal na Misa, na tinatawag ding “Eukaristiya,” o pasasalamat, ang katawan ni Jesukristo ay ginagawang presente sa porma ng tinapay upang maging pagkain ng mga nagsisipagdalo sa pagdating ng oras ng komunyon. 

Nguni’t ano po ba talaga ang sinasabing sakramento ng Eukaristiya para sa mga katoliko romano? 

Ang sakramento ng Eukaristiya ay ang sakramento ng Katawan at Dugo ni Jesukristo na ibinigay sa konteksto ng isang sagradong pagkain, o Christian Agape, sa paggunita sa Hapunan ng Panginoon (1 Co. 11:20), na, noong panahong iyon, ay sariling paraan ng pagdiriwang ni Jesus ng Jewish Pasch kasama ang kanyang mga alagad (Mt. 26:17, 26-29; Mc. 14:12-16; lk. 22:7-13, Jn. 13:1-17:26). 

Sa makatuwid, ang mga elemento ng tinapay at alak sa Eukaristiya, at sa Huling Hapunan ni Jesukristo, ay may pinanggalingan, o pinag-ugatan. Ito ay walang iba kundi ang Paskuwa ng mga Hudyo, o Jewish Passover. Sa taunang selebrasyon ng Paskuwa ng mga Hudyo ay gumagamit sila ng tinapay na tinatawag nilang “matzah”, o unleavened bread. Tungkol naman sa alak ay marami silang alak na ginagamit kapag sila ay nagsasagawa ng taunang Passover Feast. 

Sa Paskuwa ng mga Hudyo, ang tinapay na tinatawag nilang “matzah”, o unleavened bread, ay isang simbolo ng pag-aalaala nila sa matagal na pagka-alipin ng mga Israelita noon sa lupain ng Ehipto, kung saan  nakaranas sila ng pagpapakasakit, pangungulila, at kamatayan sa kamay ng mga dayuhan.  Ang alak na naman ay simbolo ng kaligayahan, kapayapaan at muling pagkabuhay laban sa kamayatan, na nakamtan nila ng makapasok at makabalik sila sa Kanaan, ang Lupang Pangako. 

Kaya naman, ang tinapay at alak na nakikita natin sa Banal na Misa, ay siya ring tinapay at alak na ginagamit sa Eukaristiya, na parehong may simbolismo ng katawan at dugo ng Panginoong Jesukristo na kanyang inialay sa konteksto, o ideya, ng isang Paskuwa, o Passover, ng maialay niya ang kanyang literal na katawan sa isang krus ng Kalbaryo ng kamatayan, nguni’t maluwalhating naibalik ng muli sa kanyang muling pagkabuhay. 

Ang mga tanda ng tinapay at alak, ngayon ay mga simbolo na ng Katawan at Dugo ni Jesukristo, na ibinabahagi sa gitna ng Christian Assembly, o Komunidad ng mga mananampalataya, upang palakasin ang banal na buklod at pakikipag-isa sa mga miyembro ng Sta. Iglesia, ang muling nabuhay na Katawan ni Kristo (ang Corpore Mystico ni Kristo), kung sa gayun ay patuloy silang makapagbahagi sa Misteryo Paskuwal ni Jesukristo na ngayon ay muling binuhay at ipinakita sa isang ritwal ng Eukaristiya, o Sta. Misa.

Samakatuwid, ang tinapay at alak sa Eukaristiya ay ang mga bagong simbolo ng Muling Nabuhay na Anak ng Diyos, si Jesukristo. 

Kung ang Paskuwa, o Passover Feast, ng mga Hudyo ay isang tunay at totoong piyesta, kun gayun ang Eukaristya ay isinasagawa ng Sta. Iglesia natin sa konteksto ng isang banal na kainan, o bangkete, na gumagamit ng isang tunay at totoong tinapay, at hindi laman isang ostiya, o wafer, na nakikita nating ginagamit sa Banal na Misa sa kasalukuyang panahon. 

Bakit " Tinapay Mo, Buhay Ko"? Dahil literal na tinapay ang gusto ng mga Hudyo, kaya binigyan sila ni Hesus ng literal na tinapay, ang tinapay ng Eukaristiya, na siya ding simbolo ng tinapay na ginamit ni Jesus sa Huling Hapunan nang sinabi niyang "Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan na iniaalay para sa inyo." 

Kaya nga, ang tinapay kapag kinakain ng mga Kristiyanong tagasunod ay nagiging simbolo rin ng kanyang katawan na iniaalay para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang buhay ni Jesus ay nagiging handog upang matubos ang mundo sa kasalanan. 

Kaya, ang tinapay na literal na ninais ng mga Hudyo na ibigay sa kanila ni Jesus ay naging ngayon isang espirituwal na tinapay, ang kanyang laman na mistikal, ang Sta. Iglesia, na kapag kinain ang espirituwal na tinapay na ito ng mga miyembro ng kristyanong komunidad ay nabubuhay ng muli ang katawan at laman ni Kristo sa pagkakaisa, pagkakabukold-buklod, at pagmamahalan sa loob ng Sta. Iglesia. 

Kung ganun, ang tema natin sa homiliya na “Tinapay Mo, Buhay Ko” ay tumutukoy, walang pong iba, kundi sa Eukaristiya, na iniuugnay din sa sakramento ng Eukaristiya ng ating ebanghelio ngayon linggo. 

Kung hindi po lubos na maintindihan ang homiliyang ito sa ngayon ay dahil sa ang Eukaristiya ay isang napakalalim na misteryo na nangangailangan na pagaralan ng mabuti. 

dnmjr/4 Aug. 2024

 

 

Tuesday, July 30, 2024

 


INTERPRETING THE MAIN LOGO of the 2ND GENERAL CONVOCATION of the MSSPP NAORCC (US) Archdiocese of California 

Looking at the main logo of the tarpaulin signage for the Second General Convocation of the MSSPP NAORCC (US) Archdiocese of California, that consists of a fishing boat over the blue waters of a lake, reminds us of last Friday’s (April 5, 2024) gospel, taken from St. John the Apostle 21:1-14, about the episode on the lake of Tiberias where the disciples fished the whole night (per totam noctem laborantis…) but caught nothing. 

In the morning, Jesus appeared to them on the seashore and asked if they caught anything. They answered, “nothing”. And he instructed them to put down the net on the right side of the boat, and, at his instruction, they did caught many fishes,  about 153 of them, not counting the small ones. 

During the sharing of reflections for the homily, a member of the community shared that the instance the disciples fished on the left side of the boat, they caught nothing; but when they fished on the right side of the boat on Jesus’ instruction, they caught many fish, almost 153 big ones. The sharer said that this is similar to how we us our left and right hands in doing things. The left hand is commonly associated with weakness and it generally stands for weakness. While the right hand is commonly associated with strength and it generally stands for strength Hence, when it is said that the disciples fished on the left side of the boat, it is tantamount to saying that they fished  with weakness, the result of which was that they caught nothing the whole night of fishing. But when they started to fish on the right side, at Jesus’ instruction, they were able to catch 153 big fishes that their net began to tear. The point that the sharer wanted to drive in his sharing is that when we do things using the right determination, the right motive, the right means and the right drive, we seem to gain fruits and success for our labor because we are doing it with strength; but, when we do things with weakness, with negativity, with the wrong focus and wrong motive, then we start to fail. 

Another sharer said that the 153 fishes that were caught in the net symbolize the many groups, or sects, of Christian churches that had sprouted inside the one Church that Jesus founded on earth symbolized by the one net that the disciples used to fish and the one boat that they rode in to fish. 

Borne from the above reflection of the gospel of last 5 April 2024 with the present interpretation as herein given, we apply it now to the 2nd General Convocation of the MSSPP NAORCC (US) AoC, as it happily used for its main logo the symbolism of the fishing boat over the blue waters of a lake, to mean the following:

1.   The MSSPP NAORCC (US) Archdiocese of California should fish for more and better membership in the future with strength, by using the right determination, the right motive and means, the right focus and the right drive in other to reap a bountiful harvest of members through a fruitful ministry in the Church of Christ; and that

2.   The MSSPP NAORCC (US) Archdiocese of California, must always be aware that it is a legitimate and valid member of the one Mystical Body of Christ, and it shares in its holiness, catholicity, and apostolicity just like all the rest of the 153 big fishes that belonged to the one net of the Church of Christ which He founded here on earth.

 

dnmjr_9 April 2024

 



EVANGELIZATION 101 - TUNGKOL SA “MADONNA AND CHILD” NI KIKO ARGUELLO 

Ang picture po na ito ay galing sa isang painting ni Francisco “Kiko” Arguello, ang initiator ng Neo-Catechumenal Way (NCW), na siya ring painting na ginagamit ng mga komunidad ng NCW sa kanilang mga community celebrations. 

Bakit itong partikular na picture na ito, at bakit hindi yung ibang mga “Madonna and Child” na gaya ng Perpetual Help Image at iba pa, na makukuha din naman natin sa Internet, ang siyang ginamit nating dekorasyon sa ating chapel? 

Ang sagot ay sa kadahelanang ang picture na ito na galing sa isang painting ni Kiko ay mayroon isang Catechetical Value. Ano po ba ‘yun? 

Kung tititigang mabuti ang painting na ‘to,  ito ay may isa, o dalawang bagay, na puwede ninyong mapansin. Ano po ba ang mga ‘yun?    Sino po ang makakahula? 

By the way, ang “Madonna and Child” pala na ito ay isang “icon”, o imahe, bukod sa ito ay pinapatungkol kay Birheng Maria at sa kanyang anak na si Jesus na karaniwang hula ng mga ‘di pa mulat, o “initiated” sa ganap na kristyanong pananampalataya, ay ito po ang icon, o imahe, ng Inang Sta. Iglesia, na gaya ni Birheng Maria, ay naglilihi, nagbubuntis at nanganganak ng isang anak ng Diyos, ang isang kristyano. 

Balik na po tayo sa ipinahuhula po natin, yung isa, o dalawang mga bagay, na mapapansin sa larawang ito ng “Madonna and Child”. 

Tama po kayo. Ang isang kapansin-pansing bagay ay ang napakalalaking mga mata, at ang mga napakaliliit na bibig ng babae at ang kanyang anak. Ang isa pang kapansin-pansing bagay, ang pangalawa, ay ang tainga ng babae ay natatakpan ng talukbong, na para bagang mga taingang sadyang itinatago, at samantalang ‘yung tainga naman ng batang lalaki ay nakalitaw at sobrang laki. 

Ang pagkakaguhit ni Kiko ng mga bagay na inyo pong napansin sa painting niya ay talagang sinadya at hindi po isang aksidente lamang. Ito po ay sa kadahelanang ang mga bagay na ito na pinapatungkol sa Inang Sta. Iglesia at sa kanyang anak na kristyano, ay naguturo sa atin ng mga reyalidad tungkol sa mga ugaling taglay ng ating Inang Sta Iglesia at ng isang kristyano sa tunay na buhay. 

Ito po ang ibig sabihin ng mga bagay na inyong napansin sa painting ni Kiko. 

Ang mga malalaking mata ng imahe ay may ibig sabihin na ang Inang Sta. Iglesia at ang isang kristyano ay mga mulat, at sobrang mulat dahil sa napakalaki ang pagkadrawing ng mga mata nila, sa mga sekreto (misteryo) ng Dios dahil sa kanilang abilidad na makapag-discern sa mga bagay-bagay na nangyayari, o nagaganap, sa araw-araw nilang buhay. Ang abilidad ng pagtingin na nagreresulta sa isang malalim na discernment sa isip ay siyang mas na ginagamit nilang pakultad sa paga-appreciate at pagtitimbang ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay. Samantalang, ang mga malilit na bibig na makikita sa parehong babae at batang lalaki sa painting ay patungkol naman sa pag-iiwas ng paggamit ng pagsasalita ng Inang Sta. Iglesia at mga kristyano sa pag-appreciate nila sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanilang buhay. Ang ibig ipahiwatig sa atin na turo ay ang pagbibigay halaga sa  mas paggamit natin ng ating faculty of discernment kaysa sa ating power of speaking, or “talking” sa pag-tanggap  sa ating mga nakakasalamuhang  pangyayari sa buhay. 

Yon naman pong ikalawang bagay na kapansin-pansin sa painting ni Kiko ay ‘yung nakabukas na tainga ng batang lalaki, samantalang ang tainga naman ng babae ay natatakpan ng makapal na talukbong. An aral na ibig ipahiwatig sa atin ay ang katuruan na ang mga tainga ng Sta. Iglesia ay iwas sa pagtanggap ng mga impormasyon na pwedeng makarating sa kanya, lalung-lalo na yung mga impormasyong nakakasama sa pananampalataya, o kaya hindi makatutulong sa pagunlad ng kapwa-tao.  Yun naman bukas na tainga ng batang lalaki, ang aral na ibig ipahiwatig sa atin ay dapat na ang isang isang kristyano  ay bukas ang mga tainga sa pakikinig sa bawa’t isa, lalo na sa ‘yung may kinalaman sa ikabubuti ng bawat isa. 

‘Yan po ang katekesis na nasa likod ng imaheng “Madonna and Child” ni Kiko Arguello. Kaya minarapat po naming gamitin ang icon na ito sa aming kapilya dahil sa, bukod sa ito ay imahen ni Birhen Maria, ay siya ring imahen, o icon, ng ating Inang Sta Iglesia sa kanyang gawaing pag-ebanghelisasyon, na maglihi, magbuntis, at manganak ng mga tunay na kristyano sa loob ng isang eskuwelahang katekumenal.  

_5 May 2024

 MARRIAGE IN THE LORD

      by Rev. Dominador N. Marcaida Jr.

        Image from: https://orthochristian.com/94561.html

It is good, right and fitting that divorce is now being legalized in the Philippines as a way to put an end to the marital woes, atrocities and violence being committed by some couple in their homes that happened in marriages performed without the Church’s guidance and supervision, because when these were performed, they lacked the preparation that should have been given by the Church through a proper and thorough catechesis about the lifetime union that these couples are about to enter.

At the outset, I would like to put a distinction between a marriage that could be subject to divorce, legal separation and annulment from a marriage which is immune from these human or legal actions.

Marriage that is subject to divorce is the marriage that was performed as a mere legal contract between the man and his partner, or between a woman and her partner.

Marriage that is immune from divorce, or from any other act of man or by force of human law, is the marriage that God himself had “joined together and that no man should put asunder” (Mt. 19:6). It is the “marriage in the Lord” performed in the Holy Sacrament of Matrimony [from L. “mater” (mother) + “munus, munera” (work, or task)]. 

“Marriage in the Lord” means that the marriage between the man and his bride is made in the spirit of the marriage between Christ and his Church that results in the everlasting union of Christ’s Mystical Body, which is the Church.

We use the word “body” in referring to the “Mystical Body of Christ” precisely because, after his resurrection from the dead, Christ really formed, or developed, a spiritual body, which was his Church, his “mystical body”, that came to be formed by the first community of disciples gathered during Pentecost day. Later, this original community was expanded through the first missionary activities of the 12 apostles themselves worldwide.

This body that was formed by the community of Christ’s original disciples is what we call now the Church of Christ, His Mystical Body, that was aptly described by St. Paul the Apostle when we said: “We are Christ’s Body, his Church” (cfr. 1 Cor. 2:27-28).

When St. Paul the Apostle used “body” as in the phrase “Mystical Body of Christ”, he meant a literal, physical body, composed of a head, and complete with the parts and organs of an anatomical body, to symbolize the unity of the Church as his “Mystical Body”. What is this unity that is seen in a literal physical body? We say that a person is alive and living when every part of his body is functioning because it is properly being attached to the head that serves as the thinking, controlling and command center of all the parts of the body that dictates their functions and movements to form just one organic living system.

This concept of a body as applied to marriage had its source from an earlier biblical narrative found in Gen. 2:21-24 in the garden story of Eden where God put the first man Adam into a deep sleep, then took a rib from his side to form the first woman whom God gave to him to be his wife. This marriage between man and wife as forming one body has been deeply emphasized by Jesus Christ when he said: “But from the beginning of creation, God made them male and female. This is why a man must leave father and mother, and the two become one body. They are no longer two, these form one body” (Mk. 10:6-8. Cfr. also Gn. 2:24; Mt. 19:5; Ep. 5:31). This was the first marriage as a perpetual and unbreakable law for all marriages under God that is being exemplified in the sacrament of Holy Matrimony. 

To further clarify this one body in marriage, the Apostle Paul used the phrase “one flesh” to denote human marriages (Cfr. 1 Cor. 6:16).

Now, therefore, in order to restore the unhappy state of all human marriages which were not done “in the Lord” (Cfr. 1 Cor 7:10,39), Christ, the Son of God, came to realize for us a marriage which is spiritual and divine in nature, which is no other than His marriage with the Church, copying the “one body, one flesh” principle both embodied in the divine and human law for marriages (Cfr. Ep. 5:21-33).

The Church is Christ’s bride (Apo. 19:8, 21:2), and she is being symbolized by the New Jerusalem coming down from heaven for the wedding with the Lamb, Jesus Christ, her spouse. She is the new Eve who will fulfill the ancient prophecy regarding the woman whose offspring shall crush the head of the serpent and whose heel it shall strike in retaliation (Cfr. Gn. 3:15; Apo. 12).

Since we are members of the Church, we are Christ’s virgin bride who had been given to him in marriage (Cfr. 2 Co. 11:2).

To be an effective marriage therefore, this marriage of the Church with Christ has been compared by the Apostle Paul in the analogy of the one body of Christ: “Now therefore you together are Christ’s body: but each of you is a different part of it” (1 Co. 12:27f).

In other words, Christ’s body, which is the Church, must function in a teleological relationship just like any organic body (=one part exists because and for the sake of the others and therefore each must always look into the well-being and welfare of the other parts in the spirit of love and unity).

Christ has set in a most certain and clear way this teleological relationship as functional also within his own body, the Church, as His spouse. That is why the Apostle Paul said: “Christ’s love for the Church is realized when, as her head, he saved the whole body and sacrificed himself for her to make her holy” (Cfr. Ep. 5:23-25). Therefore, the Church reciprocates Christ’s love by submitting herself to Christ in everything (Cfr. Ep. 5:24).

This teleological relationship that is happening within the Mystical Body of Christ, which is the Church, is the basis why the organization of the Church as always a “corporatio sole” (a single-headed corporation) and not a “corporatio aggregata” (a multi-headed or aggregated corporation) because in the Church, as Christ’s Mystical Body, the single head in always Christ, as aptly symbolized by an overseer bishop. For to be a multi-headed corporation Church, is a clear and complete departure and turning away from the model that Christ himself had set as a perpetual model for his Mystical Body, the Church; he, Christ, is being its single and sole head. 

Hence, even also in marriage, following this model of the one head with many parts and organs as memebrs, forming a single body, particularly in the marriage done in the spirit of the Lord Jesus Christ,  divorce is very impossible to take place because the members of the family from the father, to the mother and all their children are always mindful that they are being governed by a teleological relationship in the perpetual bond of holy marriage, and that when they break this teleological relationship it would mean the death and eventual separation of the one body that they are forming, which is to be their own family (or, in our case, our organization or our congregation, whichever is applicable). 

To insist on this particular model of a “multi-headed, or aggregated, family, corporation, congregation, or organization, means to break away from the unity, or single-bondedness of a church, a family, or a congregation. It will also constitute a monstrosity; a monster with one body that has many heads. 

So, let us not be afraid even if divorce is finally legalized in the country, because if the Christian church is performing marriages in the spirit of Holy Matrimony, one that is done in the “spirit of the Lord” through a prior, proper and thorough catechesis about the Church as the living mystical Body of Christ that is a model of the Christian family, then no divorce will ever happen, or occur, among Christian couples and families, and also among church congregations, or organizations.


On my father’s 56th Death Annversary_4 June 2024


 KONTRADIKSYON

        Dito sa ebangheliyo para sa ika-10ng Linggo sa Karaniwang Panahon na binasa sa Misa ng Simbahang Katoliko galing sa Mk. 3:20-35, mayroong napapansin na kontradiksyon sa mga pahayag ni Jesukristo ukol sa isang talinghaga tungkol sa kaharian, o kaya magin sa isang tahanan, na hati dahil sa nagsisi-pagaway-away na mga miyembro at ito raw ay hindi makakatayo, bagkus ito ay tuluyang mamamatay.

     Ang kontradiksyon ay narito: samantalang sa umpisa sinabi yan ni Jesus, nguni’t sa karugtong ng ebanghelio sinasabi din ang kwento tungkol sa parang-pagtakwil niya sa kanyang mga kamag-anak na gusto siyang dakpin dahil daw siya ay nababaliw, na dinugtungan pa ng isang kwento tungkol sa pagbisita sa kanya ng kanyang ina at mga kapatid dahil na rin sa kaparehong balita na siya raw ay nababaliw na. Di ba ito rin ay nagpapahiwatig ng pagkawatak-watak sa loob ng pamilya ni Jesus?

     Kung gayon, sa gitna ng kontrobersyang ito, iisa lang ang dahilan ng kontradisyon na ito na tinukoy ng ebanghelio. At ano yun? Si Satanas. Si Satanas, na ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, ay isang taga-usig, o taga-sumbong.

     Dahil sa maling paratang, akala, o bintang  na gawa ni Satanas, kaya nagkagulo-gulo at nagkahati-hati ang isang kaharian, o isang tahanan, o isang organisasyon o grupo.

     Binintangan pa naman si Jesus ng kanyang mga kaanak na isa raw siyang baliw, o sinapian siya ng isang demonyo.

     Upang hindi manaig si Satanas sa kanilang pamilya, dahil sa kanilang maling paratang at sumbong laban sa kanya, kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Sino ang aking ina at mga kapatid? Sino ang aking mga kamag-anak?” Itinuro niya ang mga taong nakapaligid sa kanya, at nagsabi: “ito ang aking mga kamag-anak, ina at mga kapatid; ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos, sila ang aking ina, mga kapatid at mga kamag-anak”.  Ito ang naging solusyon ni Jesukristo sa parang kontradiksyon na napapansin sa ebangheliyong binasa.

     Tingnan natin na dahil sa isang maling paratang, bintang, ay kayang- kayang pataubin ni Satanas ang pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa ng isang pamilya, samahan, o kaharian. Kaya, bilang tugon natin sa ebangheliyong ibinahagi, ay huwag tayong basta magpaparatang o magbibintang ng mali sa kapwa na walang katotohanan, o malinaw na basehan; o, kaya, huwag basta maniniwala sa isang maling paratang, o bintang, ninuman, dahil ito ay ang mga maling gawain ni Satanas na ibig niya tayong paghihiwalayin at tuluyang magkawatak-watak sa ating mga samahan.

    Bilang paglilinaw na din sa tinuran ni Jesus tungkol sa kalooban ng Diyos ay, ano nga po ba ang kalooban ng Diyos? Paano po natin malalaman ang kalooban ng Diyos?

     Ang kalooban ng Diyos ay ang kalooban ng iba, o ng ating kapwa, kung saan ang iba ay si Kristo  (The will of God is the will of the other, where the other is Christ).

     Kaya po, itinuro ni Jesus ang mga tao na nasa kanyang paligid na kasalukuyang nakikinig sa kanyang mga turo at salita bilang sila ang kalooban ng Diyos, dahil sa pakikinig nila sa  mga salita ng Kristo.

     Sa makatuwid, labanan natin ang paghihimok ng pakikipag-away sa kapwa dahil iyan ang susi ng pagkawatak-watak natin, lalo na kung 'yan ay bunsod ng mga maling paratang at sumbong lamang laban sa ating mga grupo o asosasyon. May isang kasabihan nga na, kung ibig ng isang tao na sirain ang isang samahan ng relihiyon, ang uunahin nya ay 'yung mga kaparian dahil sila ang may hawak ng sakripisyo at relihiyon (San Juan Marie Vianney).

     Iyan lamang po ang naging mensahe ng ebangheliyong ibinahagi sa atin sa nakaraang ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon.

_10 June 2024

 

HOMILIYA PARA SA IKA-11ng LINGGO NG KARANIWANG PANAHON

sa Misa para sa mga manggagawa ng 7-11 Chain Store sa Camaligan, Camarines Sur. 

Ang Ebangheliyo para sa Ika-11ng Linggo ng Karaniwang Panahon ay hango sa Mk. 4:26-34. Ito ay patungkol sa dalawang talinghaga ng Kaharian ng Diyos. 

Ang unang talinghaga ay ang kaharian daw ng Diyos  itinulad sa paghahasik ng isang tao ng mga butil ng buto sa lupa; na kusa itong tumutubo, nagsisipag-usbong, nagdadahon, at kalauna’y nagpapalabas ng mga uhay na siyang may dala ng mga butil; at saka naman dumarating ang mga manggagapas na may karit upang anihin na ang mga butil. Ito na ang panahon ng tag-ani. 

Ano ba ang ibig sabihin ng unang talinghagang ito? Ang ibig sabihin ng talinghaga ay ang kaharian ng Dios ay ang kaharian niya sa langit na siyang tahanan ng pawang gawang kabutihan ng mga tao. Ang mga taong naghahasik ng gawang kabutihan dito sa lupa ay katulad ng sinasabi sa ebangheliyo na isang taong naghahasik ng mga butil ng buto sa lupa, na pagkatapus ay nagsipag-usbong, nagkakadahon, nagkaka-uhay at nagkakabutil upang sa panahon ng tag-ani ay anihin.

Ang mga butil na ina-ani ng taga-pag-karit ay walang ibang ibig sabihin, kundi ang mga gawang mabubuti ng tao, at ang taga-pagkarit ng inani ay ang kamatayan. Sa panahon na dumating si kamatayan sa buhay ng tao, ang kanya pong gagawin ay ipunin ang lahat na mga gawang mabubuti na nagawa ng isang tao habang siya ay nabubuhay pa sa ibabaw ng lupa. Ang lahat ng mga naipong mabubuting gawa ng tao ay mapupunta sa kaharian ng Diyos, sa langit. At diyan sila maghihintay, upang kunin muli ng mga taong nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa na para bagang mga butil ng butong panghasik upang ihasik ng muli sa lupa para magpatubong muli ng mga mabubuting gawa, na uusbong at magka-uhay, para magbungang muli ng mga butil ng kagandahang-asal at mga gawa ng mga tao. Ito ang siklo ng paggawa ng kabutihan ng mga tao dito sa ibabaw ng mundo, na paulit-ulit na inaani ng kamatayan sa panahon ng pagkamatay ng isang tao upang mapuno ng magagandang gawa ng tao ang tahanan ng Diyos sa langit. (Ang halimbawa ng siklong ito ng mga mabubuting gawa ng tao ay ang tubig-ulan na pumapatak bilang tubig na galing sa langit, at umaakyat pabalik sa langit bilang isang hamog papuntang langit upang ibagsak muli bilang ulan, atbpa.)

Ang ikalawang talinghaga ay tungkol sa kaharian ng Diyos (na siyang kaharian ng kabutihan na nasa langit) na itinutulad sa pagtatanim ng buto ng mustasa. Ito raw ang pinakamaliit na buto sa lahat ng mga butong inihahasik ng tao sa lupa. Subali’t kapag ito ay tumubo, umusbong, magkadahon, at magka-sanga, ito ay magiging pinakamayabong na punong kahoy sa buong kagubatan upang manirahan dito ang maraming mga ibon sa himpapawid.

Ano po ang ibig ipahiwatig sa atin ng ganitong talinghaga?

Ang gawang kabutihan daw ay naguumpisa sa isang maliit at ‘di pansining gawi o galaw ng isang tao. Kung minsan, ang isang mabuting gawa ay ‘di dapat pinapansin o pinarangalan. Kahit ito ay isang napakaliit na gawang mabuti, nguni’t kusa itong tutubo, maguusbong, magkakaroon ng maraming dahon at sanga, at masyadong yayabong upang pakinabangan ang kanyang lilim ng napakaraming tao. Ganyan din ang gawang kabutihan sa buhay ng maraming tao.

Kun gayon, ano ngayon kung ang isang tao ay nakagawa, o may ginawang mabuti? Makakain nya ba ‘yun? Mabubusog ba siya ‘nun? Tatababa siya? Lulusog ba siya? Uunlad ba siya? Sisikat ba siya? Hahangaan ba siya? Yayaman ba siya? Magkaka-award ba siya?

Dahil sa mga gawang mabuti na nag-usbong, nagkadahon at lumago hanggang sa maging pinakamalaking gawang mabuti, ito ay mapapakinabangan ng maraming tao dahil sa makatutulong ang mga ito upang ang mga buhay ng kapwa-tao ay mapabuti, mapaigi, maisaayos, matahimik, malunasan, magamot at mapatuwid.

Iyan po ang bisa’t kapangyarihan ng gawang mabubuti para sa kaharian ng mabubuting mga linalang.

       ‘Yung kasamahan ninyo sa trabaho na biglaang umuwi sa kanilang bahay sa Albay kahapon dahil ‘yung kanyang anak ay nasa ospital ngayon na may malubhang karamdaman, ‘di ba yung kasamahan ninyo na ‘yun ang nangutang sainyo ng pera upang siya ay makauwi at makakuha na rin ng pambayad sa ospital at iba pang mga pangangailangan ng pamilya niya. O di ba mabuting gawaang ginawa ninyo nung magpautang kayo ng prsa sa kanya para makatulong na mailigtas ang kanyang anak sa kapahamakan. Iyan po ang bunga ng mabubuting gawa sa buhay nating mga tao. 

_dnmjr/06-12-2024

  

 


 

 

 

                            

 

HOMILIYA SA IKA-12ng LINGGO NG KARANIWANG PANAHON (Cycle B) sa Misa para sa mga Manggagawa sa Konstruksyon ng 7-11 Chain Store dito sa Bgy. San Jose, Camaligan, Camarines Sur

ni Rev. Fr. Dominador N. Marcaida Jr. 

“SUBASKO” 

Ang ebangheliyo  para sa ika-12ng Linggo ng Karaniwang Panahon ay hango sa Mk. 4:33-41, at ang homiliya naman para sa ebangheliyong ito ay pinamagatang “Subasko.” 

Ito ay patungkol sa pagpalaot sa lawa ni Jesus at ng kanyang mga alagad, at, ng naglalayag na, ay inabot sila ng malakas na subasko kaya't ang bangkang sinasakyan nila'y hinampas ng malalaking alon at ito'y halos mapuno na ng tubig. Samantalang si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, balewala ba sa inyo kung mapahamak kami?” Bumangon si Jesus at sinaway ang hangin, “Tigil!” at sinabi sa lawa, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?” Natakot sila nang labis na pagmangha, at nagsabi, “Anong klaseng tao ito? Pati hangin at lawa  sa kanya sumusunod!” 

Ano nga ba ang ibig sabihin ng “subasko”? Ito ay salitang Bisaya na hango na salitang kastila na “chubasco”, na ang ibig sabihin sa English ay “tempest, storm, squall”, at iba pa. Sa salitang Bikol, ang ibig sabihin ng subasko sa dagat ay bagyo sa kalupaan. 

Nguni’t ang subasko, o bagyong, ito ay hindi tulad sa bagyong nararanasan natin dito sa Pilipinas na halos inaabot ng isang gabing buong magdamag kung manalasa sa mga kabahayan sa ating kalupaan o sa buong rehiyon ng ating bansa. 

Ang subasko, o bagyo, na ito na naranasan ng mga alagad ni Jesus sa laot, ayon sa ebangheliyong binasa, ay isang maliit na bagyo, o bugso sa dagat na may malakas na hangin at ulan na ilang minuto lamang kung manalasa. 

‘Yung kaba at takot na naranasan ng mga alagad sa nangyayaring subasko sa harapan nila, ay medyo grabe, at ang kanilang sindak ay sobra naman sa laki. 

Ng hindi na makatiis ay ginising nila si Jesus na kasalukuyang tinutulugan lamang noon ang nagaganap na subaskong naghahampas ng malakas na hangin at ulan sa kanilang sasakyan, at sinabihan siya na “Baliwala ba saiyo na kami ay mapapapahamak at malulunod?” 

Kaya bumangon si Jesus at sinabihan ang hangin at dagat na, “Tigil, tahimik!”, at tumigil at tumahimik naman talaga ang hangi’t dagat, dahil patapus na man talaga noon ang subasko, na dumadaan lamang ng ilang saglit na sandali sa kanilang kinaroroonan na bangka. Kaya pinansin ni Jesus ang kanilang kawalang pananampalataya, at sinabihan sila “Bakit kayo takot na takot? Wala ba kayong mga pananampalataya?” 

Ang labis na pagkabahala ng mga alagad sa harap ng iilang sandali at saglit na unos, o paghihirap, ay nagpapamalas ng kawalang pananampalataya sa buhay, o ang lebel ng pananampalatayang meron noon sila. Di ba ang bagyo ay iilang oras lamang kung manalasa, at, sa huli, ay lumilipas at natatapus din? Bakit kailangan pang matakot at masindak sa harap ng mga unos sa buhay, kung mayroong sapat at malakas na pananampalataya sa sariling kakayahan? 

Dito sa isyu ng Sambuhay Misallete para sa linggong ito ay sinasabi nila na “Mga Unos at Ipu-ipo sa buhay? Kapit lang kay Hesus”. Ang sabi naman po natin sa ganitong pahayag ay, “Hindo po, dahil ayaw ni Jesus na tayo ay basta aasa na lang sa kanya sa mga problemang dumarating sa ating mga buhay, dahil kailangan din nating gumalaw-galaw, kumilos, at tumindig sa ating mga sariling mga paa para ipakita naman natin na may sapat tayong pananampalataya sa ating mga sariling kakayahan upang maayos na harapin ang mga subasko, bagyo, o anumang pagsubok na dumarating sa ating buhay. 

Kagaya noong isa sa inyo na nakaranas kahapon ng matitinding mga kagat ng pulang langgam sa hinuhukay niyang footing para sa poste. O kaya, si foreman, nung napansin niyang mali-mali ang ibinigay sa kanyang sukat ng area para sa itatayo ninyong building. O, kaya, nang kayo’y bago pa lamang magsidatingan, ng napansin ninyong wala kayong malapit na paguunan ng malinis na tubig inumin at panghugas, at wala rin kayong CR na magagamit sa pagligo at pagdumi. O, kaya, yung matinding lungkot at pangungulila na nararanasan ng bawat isa sa inyo, dahil malayo kayo sa inyong mga kanya-kanyang pamilya’t mga anak. Ito ang mga uri ng subasko’t bagyo na naranasan ninyo sa inyong mga trabaho bilang mga manggagawa sa konstruksyon, na pilit ninyong sinulusyonan upang makaraos kayo sa pang-araw-araw na buhay dito sa lugar namin. 

Ang mga karanasang ito ay mga pagsubok sa inyong mga pananampalataya na tumindig sa sarili ninyong kakayahan na tulad sa isang subasko, o bagyo,  ay dumarating sa atin upang tayo ay mas lalong patatagin sa ating mga sarili. Ang nangyari ay sinubukan lamang ng nagdaang subasko ang uri ng pananampalatayang mayroon tayo, at pati  ang mga alagad ni Jesus. 

Ang mga bagyo’t subaskong ito na dumarating sa buhay natin ay ang pagdaan ng Diyos mismo sa ating mga buhay, o ang kanyang Passover, na nagdadala ng mga pagbabago para sa ating buhay.

Katatapus pa lang ang pagdiwang ng buong mundo sa kapistahan ng Passover, o Pasko. Kapwa Judiyo’t Kristyano ang nagdidiwang nito. Ang pagdaan ng Diyos sa buhay at kasaysayan ng tao ay nagaganap sa isang “Passover.” Ang Passover ng Diyos ay tulad ng isang bagyo o subasko. Kung ang pagdating ng bagyo sa isang lugar ay pinaghahandaan ng mga tao, ay gayun din ang pagdating ng Diyos sa ating buhay. At kung dumating na siya, tayo ay napupuno ng kagalakan at kasiyahan dahil sa kanyang presensya sa ating kalagitnaan, at siya ay nagdadala ng kabutihan, kasaganaan, kayamanan, at maraming pagbabago sa ating buhay. 

Kung ang subasko ay ang paraan ni Jesus upang masukat ang lebel ng pananampalataya ng kanyang mga alagad, ang Pasko, o pagdaan ng Diyos, ay tumatawag ng pananampalataya sa atin upang tugunan ang kanyang panawagan sa panglingkod sa kanyang sambayanan. 

Kung dumarating man ang mga subasko, o bagyo, sa ating buhay, ay dapat tayong matuwa at magsaya, dahil ito ay may dalang mga pagbabago at maraming oportunidad para sa ating pag-unlad at paglago. Kung gayun, hindi takot at sindak ang dapat na maramdaman natin sa harap ng mga unos, subasko at bagyo sa ating buhay, kundi bagong pag-asa at kasiyahan dahil ang Diyos ay dumadaan sa ating buhay, na may dalang kabutihan, kasaganaan, kayamanan, at maraming pagbabago sa ating buhay. Ito po ang ibig sabihin ni Jesus na uri ng pananampalataya na dapat mayroon tayo sa harap ng mga unos, bagyo, at mga subasko sa buhay. 

Kaya, subasko, o bagyo man ‘yan, panapampalataya man ‘yan o Paskuwa, o ang pagdaan ng Panginoon, o anupaman ang tawag natin dyan, lahat ‘yan ay nagdadala ng mga pagbabago, paglago, o pag-unlad sa buhay ng tao. Kaya, huwag tayong matakot, masindak, mag-atubili, o mangambang sumunod sa tawag ng Diyos. 

dnmjr_19 June 2024